This is ME - Take it or Leave It

Like A Rock - I Must be Hard
Like An Oak - I Must Stand Firm
Cut Quick - Like My Blade
Think Fast - Unafraid

Like a Cloud - I am Soft
Like Bamboo - I Bend in the Wind
Creeping Slow - I'm at Peace
Because I Know
It's Okay to Be Afraid

12/3/08

Lingon

Madalas, binabalewala natin yung mga taong sobrang nagmamahal sa atin.
Meron tayong paniniwala na dahil sobra nga ang pagmamahal nila para sa atin, kahit ano man ang mangyari hindi sila mawawala.
Na mananatili lang sila sa ating tabi.
Na hindi nila tayo iiwan.

Alam natin na sa ating paglalakad, nandyan sila sa ating likuran.
Na kung lilingunin man tayo, nandyan pa rin sila. Nakasunod, nakaalalay, nakasuporta.

Dahil sa paniniwalang iyon, madalang na madalang na ang ginagawa nating paglingon.
Hindi natin nakikita ang mga pinagdadaanan nila.
Hindi natin alam na paminsan minsan, humihiling sila na lumingon tayo at ngumiti.
Hindi natin nararamdaman na minsan, gusto nilang sumabay sa paglalakad.
Hindi natin nakikita na minsan, nadadapa sila at nasusugatan.
Hindi natin naririnig na minsan, nasasaktan sila at umiiyak.
Hindi natin naiintindihan na minsan, sila naman ang may kailangan ng pag-alalay at pag-suporta.

Habol tayo ng habol sa napakaraming pagkakataon.
Inuubos natin ang oras natin sa mga bagay na iniisip natin na siyang mahalaga.
At yung mga nagmamahal sa atin, hindi natin sila mabigyan ng kahit kaunting panahon.
Hindi sila nabibigyan kahit kaunting pagpapahalaga.
Nasa ating isip na marami pang panahon para sa kanila, marami pang pagkakataon na darating.
Hindi naman sila mawawala eh. Nandyan lang sila pag dumating na ang panahong iyon, ang pagkakataong iyon.

Minsan lang, baka dahil sa masyado tayong abala sa iba pang napakaraming bagay,
hindi natin napapansin, na sobrang layo na pala tayo sa kanila. Na hindi na nila tayo maabot.
Na naiwan na pala sila.


Sinasabi natin palagi na marami tayong problema, na marami tayong dapat gawin, na marami tayong dapat ayusin. At kailangang mauna ang lahat ng iyon. At sana maintindihan nila tayo kung bakit wala tayong panahon. Madalas, sinasabi natin na pagod tayo at mainit ang ulo. At sa paghiling natin na intindihin nila ang kalagayan natin, hindi natin napapansin na pagod din pala sila.

Hindi natin napansin na napagod na silang umamot ng kaunting panahon.
Na naipon na ang maraming sakit ng damdamin. Na hindi na ganun kalaki ang pagmamahal dahil iisa lang and daloy nito. Puro palabas at walang bumabalik para punan ang pagkukulang.

Walang TAMAng panahon o pagkakataon para suklian natin ang pagmamahal na binibigay sa atin. Hindi naman kailangan na bitiwan natin ang lahat ng ibang mga bagay para magkaroon tayo ng sapat na oras. Minsan, hindi lang natin alam, pero hindi nila kailangan na itigil natin ang ating buhay para sa kanila. Gusto lang nila ng simpleng ngiti, munting yakap, at saglit na haplos.
Para sa kanila sapat na ito upang malaman nila na pinahahalagahan natin ang kanilang bahagi sa ating buhay.

Minsan, kailangan lang nating matutong lumingon.